Magtiyahin, sugatan sa sunog
@Balitang Probinsiya | November 25, 2023
BACOLOD CITY -- Sugatan ang magtiyahin nang masunog ang kanilang bahay kamakalawa sa Sitio Revierside, Brgy. Banago sa lungsod na ito.
Ang magtiyahing biktima ay nakilalang sina Elena Tayactac, 60 at Bernardo Vargas, nasa hustong gulang, at kapwa nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nasa kusina ng kanilang bahay sina Elena at Bernardo nang biglang magliyab ang kanilang liquefied petroleum gas (LPG) na nagdulot upang kumalat ang apoy sa kanilang tahanan.
Nabatid na nagtamo ng 3rd degree burns sa kanilang mga hita ang dalawang biktima, gayunman ay maagap silang nakalabas ng kanilang bahay.
Makalipas ang isang oras ay naapula rin ng mga bumbero ang sunog, at sa ngayon ay ginagamot na sa ospital ang mga biktima.



Comments