top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasakang nakikipag-inuman, pinatay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 06, 2020



Camarines sur—Isang magsasaka na nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang namatay nang barilin ng hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. San Ramon, Siruma.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jose Tubale, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakikipag-inuman si Tubale sa mga kaibigan niyang sina Sofronio Flores at Noel Catalla sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page