Magsasakang gumahasa sa pamangkin, tiklo

@Balitang Probinsiya | February 19, 2021
ALBAY—Isang wanted na magsasaka na gumahasa sa kanyang 14-anyos na pamangkin ang ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Tabaco.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na isinapubliko ng mga awtoridad ang pangalan ng suspek at biktima.
Ayon sa ulat, matapos gahasain ang kanyang pamangkin na batang babae na 12-anyos pa lang noong 2006 ay nagtago na ang suspek.
Napag-alamang nakita ng mga operatiba ang suspek na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments