Magsasaka, utas sa kidlat
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 13, 2023
CAMARINES SUR -- Isang magsasaka ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa bukid na sakop ng bayan ng Milaor sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonino Almayda, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa bukid si Almayda ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat ay nabatid na nagkaroon ito ng 3rd degree burns sa katawan ng biktima.
Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival.



Comments