Magsasaka, tinodas sa loob ng bahay
@Balitang Probinsiya | December 24, 2021
ALBAY—Isang 54-anyos na magsasaka ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang salarin kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Cuyaocuyao, Pio Duran.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Adam Pedrez, nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alamang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang biglang pumasok ang mga suspek at agad itong pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, samantalang dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-n-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments