Magsasaka, tinodas ng pamangkin
@Balitang Probinsiya | May 19, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang 59-anyos na magsasaka ang namatay nang pagtatagain ng kanyang pamangkin, kamakalawa sa Bgy. Minautok, Calatrava sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Toribio Maanyu, samantalang ang suspek ay ang pamangkin nito na si Junrey Mahinay, 29, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin, kaya pinagtataga ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sumuko naman sa pulisya si Mahinay at ngayon ay sinampahan na ng mga awtoridad ng kasong murder.



Comments