top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Magsasaka, tinodas ng lasing

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2024

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang magsasaka ang namatay nang saksakin ng isang lasing na lalaki kamakalawa sa Brgy. Damutan, Hinoba-an sa lalawigang ito.

 

Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang biktina na residente sa nasabing barangay. 

 

Ayon sa ulat, habang nag-uusap ang magsasaka at ang lasing na lalaki ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang maglabas ng patalim at sinaksak ng suspek ang biktima.

 

Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 

Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek hangga’t hindi pa ito nadadakip ng operatiba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page