top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magsasaka tinodas ng armado

BULGAR
Nov 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 13, 2022


CAMARINES SUR—Patay ang magsasaka nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Sagrada, Tinambac.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa likod ay kinilala ng pulisya na si Roderick Calubag, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Calubag nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page