Magsasaka, tinepok ng gunman

@Balitang Probinsiya | February 16, 2021
NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Luyos, San Antonio.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Richard Gregorio, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Gregorio nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments