top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka, tinepok ng bayaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 29, 2023



NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 41-anyos na magsasaka ang namatay nang barilin ng kanyang bayaw kamakalawa sa Bgy. Tampalon, Kabankalan City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Glenn Panganiban, residente sa naturang barangay, habang hindi na muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magbayaw hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page