Magsasaka tinepok ng armado
@Balitang Probinsiya | June 07, 2023
CAPIZ -- Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, Tapaz sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ruperto Morales, 49, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, pauwi na umano si Morales nang harangin ito ng suspek at agad binaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Morales.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments