Magsasaka, tinepok ng armado
- BULGAR

- Jan 12, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 12, 2021
CAMARINES SUR—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Lupi.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Leonardo Alforte, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, sumasalok umano ng tubig sa batis si Alforte nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang salarin.



Comments