top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magsasaka, tinepok ng 2 armado

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 28, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Buenavista, Himamaylan City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Raul Enmacino, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa labas ng kanilang bahay si Enmacino ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Enmacino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page