Magsasaka, tinepok ng 2 armado

@Balitang Probinsiya | December 10, 2020
NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Sto. Cristo, San Antonio.
Ang biktima ay nakilalang si Efren Nicolas, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nakikipagkuwentuhan si Nicolas sa mga kapwa niya magsasaka ay biglang dumating ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments