top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Magsasaka, tinaga ng kainuman

BULGAR
May 2, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 2, 2021


CAPIZ—Sugatan ang magsasaka nang tagain ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Malonoy, Dumarao.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng taga sa kanang kamay ay si Janjan Vergara, 31-anyos, samantalang ang suspek ay Rolly Hauder, 40-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Vergara at Hauder na humantong para tagain ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan at ginagamot na siya ngayon sa ospital.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page