Magsasaka, timbog sa drug-bust
- BULGAR

- Oct 31, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 31, 2020
CAGAYAN—Isang magsasaka ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cabannaban Norte, Gonzaga.
Ang suspek ay nakilalang si Loreto Pescador, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Pescador at dito nakumpiska ang tatlong sachets ng shabu at drug paraphernalia.
Hindi naman nanlaban si Pescador nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments