top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magsasaka, tiklo sa tanim na marijuana

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 24, 2023


CAGAYAN—Isang magsasaka na nagtanim ng marijuana ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Lal-lo sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nagbigay impormasyon sa pulisya na may pananim na marijuana ang suspek sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang magsasaka.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang piraso ng tanim na marijuana sa bakuran ng bahay ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page