top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magsasaka tiklo sa 2 shotgun

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 25, 2023



AKLAN—Isang magsasaka ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng dalawang shotgun at mga bala kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Medina, Madalag sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala na si Patenio Narce, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.


Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Narce sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang dalawang shotgun at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page