top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magsasaka, sinaksak ng kaibigan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 9, 2023


PALAWAN—Isang magsasaka ang sugatan nang saksakin ng kanyang kaibigan, kamakalawa sa Bgy. Burirao, Narra sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Jessie Camelo, samantalang ang suspek ay si Ryan Dalmacio, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nagtungo sina Camelo at Dalmacio sa isang okasyon sa naturang barangay at pauwi na sila ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang sinaksak ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi si Camelo sa ospital, at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa siya sa pagamutan.


Nadakip naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na ito sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page