top of page
Search
  • BULGAR

Magsasaka, sinaksak na, binaril pa

@Balitang Probinsiya | April 11, 2021


NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang napatay nang saksakin at barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Guiling, Alamada.


Nakilala ang biktima na si Leonardo Carob, samantalang ang suspek ay si Ariel Entera, kapwa nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, napadaan si Carob sa tapat ng bahay ni Entera at dito agad na sinaksak ng suspek ang biktima at pagkaraan ay pinagbabaril pa hanggang sa mapatay.


Nabatid na nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.

Nakapiit na si Entera na nahaharap sa kasong murder, illegal possession of firearms and ammunitions at illegal possession of bladed weapon.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page