top of page
Pokwang.jpg

Magsasaka, sapol ng ligaw na bala

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 31, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 31, 2020



NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala kamakalawa sa Bgy. Sabit, Guimba.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Roger Morales, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nagpapahinga umano si Morales sa loob ng kanyang bahay-kubo nang tamaan ito ng ligaw na bala sa kanang hita.


Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Morales sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang nagpaputok ng baril sa nasabing lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page