@Balitang Probinsiya | Pebrero 8, 2024
CAPIZ -- Isang 56-anyos na magsasaka ang namatay nang barilin ng kanyang pamangkin kamakalawa sa Brgy. Agcabugao, Cuartero sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo na si Cornelio Estoque, samantalang ang suspek ay ang pamangkin nito na si Rafael Contreras, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin kaya dalawang beses binaril ng suspek ang ulo ng biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.
Commentaires