Magsasaka, pinatay ng kapwa magsasaka
- BULGAR
- Aug 12, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 12, 2023
BATANGAS -- Isang magsasaka ang namatay nang pagsasaksakin ng kapwa niya magsasaka kamakalawa sa Bgy. Dagatan, Lipa City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Dominador Cabague, 53, samantalang ang suspek ay si Roque Temperature, nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Cabague nang sumulpot ang suspek at biglang pinagsasaksak ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi si Cabague sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments