Magsasaka, pinatay ng kapwa magsasaka
@Balitang Probinsiya | December 14, 2021
NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng kapwa niya magsasaka kamakalawa sa Bgy. Pulong-Bahay, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Aries Parungao, 40-anyos, samantalang ang suspek ay si Raffy Paring, nasa hustong gulang at kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Parungao at Paring na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Parungao sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan,
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments