Magsasaka pinagtataga ng kapwa magsasaka
@Balitang Probinsiya | October 27, 2022
AKLAN—Isang magsasaka ang nasa kritikal na kalagayan nang pagtatagain ng kapwa niya magsasaka kamakalawa sa Bgy. Kinalangay Nuevo, Malinao.
Ang biktimang nagtamo ng taga sa katawan ay nakilalang si Darius Zaspa, 36-anyos, samantalang ang suspek ay Jason Retubis, 26-anyos kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi sina Zaspa at Retubis nang magkaroon sila ng pagtatalo na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Zaspa sa ospital at inoobserbahan pa ito sa pagamutan, samantalang nadakip ng rumespondeng pulisya ang suspek.
Nakapiit na si Retubis na nahaharap sa kasong frustrated murder.



Comments