top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magsasaka patay sa tuklaw ng ahas

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2023


CATANDUANES — Isang magsasaka ang namatay matapos matuklaw ng ahas kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Mabini, Panganiban sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Jesse Olegasco, 26-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa mga kapwa magsasaka ni Olegasco, narinig nilang sumigaw ang biktima na natuklaw siya ng ahas.


Agad tinungo ng mga kapwa niya magsasaka ang kinaroroonan ni Olegasco at natagpuan nila itong walang malay.


Dinala pa ng mga kapwa niya magsasaka si Olegasco sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page