top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magsasaka patay sa ligaw na bala

BULGAR
Nov 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 18, 2022


NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang namatay nang tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang grupo ng kalalakihang nagbabarilan kamakalawa sa Bgy. Balatican, Pikit.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Nasser Batuwag, 25-anyos, residente ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, bigla umanong nagbarilan sa naturang barangay ang dalawang armadong grupo ng kalalakihan at dahil dito ay tinamaan ng ligaw na bala ang biktima.


Nang malaman ng dalawang grupo ng kalalakihan na tinamaan ng ligaw na bala si Batuwag ay agad nilang nilisan ang lugar.


Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ng pulisya ang kalalakihang nagbarilan sa nasabing barangay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page