top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magsasaka, patay sa kuryente

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 5, 2023


ILOILO -- Isang magsasaka ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Miraga Guibuangan, Sta. Barbara sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang biktima hangga’t hindi pa naipapaalam sa pamilya nito ang pagkamatay ng nasabing magsasaka.


Ayon sa ulat, napahawak ang magsasaka sa isang live wire na nakalaylay mula sa isang piggery farm kaya nakuryente ang biktima.


Agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang kasong isasampa sa may-ari ng piggery farm para papanagutin sa pagkamatay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page