Magsasaka, patay sa kidlat
@Balitang Probinsiya | November 10, 2023
ILOILO -- Isang magsasaka ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa bukirin na sakop ng Brgy. Linao, Barotac Nuevo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Remund Soprason, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Acuit sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa bukid si Soprason at ibang magsasaka ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Agad dinala ng mga kasamahan niyang magsasaka si Soprason sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sa pagsusuri ng mga awtoridad ay nabatid na nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima na siya nitong ikinamatay.



Comments