Magsasaka patay, pamangkin kritikal sa kuryente
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 22, 2023
QUEZON -- Isang 45-anyos na magsasaka ang namatay at nasa krikikal na kondisyon naman ang pamangkin nito nang makuryente sila kamakalawa sa Bgy. Patabog, Mulanay sa lalawigang ito.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Edwin Pereyra, samantalang ang nasa kritikal na kalagayan ay si Angelo Gacula, 21, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad patungo sa sinasaka nilang bukid ang magtiyuhin nang aksidenteng masagi ni Pereyra ang isang live wire na nakalaylay sa puno kaya ito nakuryente.
Nabatid na tinangka ni Gacula na saklolohan si Pereyra, pero pati siya ay nadamay na nakuryente.
Agad dinala ng ibang magsasaka ang magtiyuhin sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Pereyra, habang inoobserbahan naman si Gacula.



Comments