Magsasaka, niratrat ng NPA
- BULGAR
- Nov 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 26, 2023
ZAMBOANGA DEL NORTE -- Isang magsasaka ang namatay nang pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Brgy. Milad, Polanco sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ricardo Quijano, nasa hustong gulang at residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, pinuntahan umano ng mga komunista si Quijano sa labas ng bahay nito at hinihingan ng pagkain bilang revolutionary tax, pero nang walang maibigay ang magsasaka ay agad itong pinagbabaril ng mga NPA.
Mabilis na tumakas ang mga NPA nang matiyak na patay na ang biktima.
Tinutugis na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.



Comments