Magsasaka nilikida ng tandem
@Balitang Probinsiya | April 10, 2023
ZAMBOANGA CITY—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Pasobolong sa lungsod na ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Garry Francisco, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakatayo si Francisco sa nasabing barangay nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Francisco.



Comments