Magsasaka, nilikida
@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2024
ILOILO -- Isang magsasaka ang namatay nang pagbabarilin ng isang armadong lalaki kamakalawa sa bayan ng Janiuay sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Gerald Malones, 35 at residente sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Malones sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Malones.
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments