top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Magsasaka, natagpuang patay sa palayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 12, 2021



CAPIZ—Isang magsasaka ang natagpuang patay kamakalawa sa palayan sa Bgy. Acbo, Sigma.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Anecito Ponsaran, nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima habang nakasubsob ang mukha sa palayan.


Sa imbestigasyon ng pulisya, huli umanong nakitang buhay si Ponsaran habang naglalakad sa palayan pauwi sa kanilang bahay.


Dahil dito, may hinala ang mga awtoridad na posibleng inatake ng sakit sa puso ang biktima kaya namatay ito sa palayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page