Magsasaka natagpuang patay sa kubo
- BULGAR
- Aug 26, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 26, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 58-anyos na magsasaka ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang kubo kamakalawa sa Bgy. Bantanayon, Calatrava sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Daniel Vicente, residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman na ang misis ni Vicente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima na may mga tama ng bala sa katawan sa loob ng nasabing kubo.
Sinabi ng hindi pinangalanang misis ni Vicente, na wala siyang alam na kagalit ng mister para patayin ito.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para makilala at madakip ang salarin.



Comments