Magsasaka, natagpuang patay sa kubo
- BULGAR
- Jul 2, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 2, 2023
ILOILO -- Isang 32-anyos na magsasaka ang natagpuang patay kamakalawa sa isang bakanteng bahay-kubo kamakalawa sa Bgy. Pulao, Dumangas sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alan Adorador, residente ng Bgy. Binabaan, Lambunao sa nasabing lalawigan.
Napag-alaman na isang hindi pinangalanang magsasaka ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima na may isang tama ng saksak sa katawan.
Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala at madakip ang salarin.



Comments