Magsasaka, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | May 15, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang magsasaka na may mga tama ng taga sa katawan ang natagpuan, kamakalawa sa matalahib na lugar sa Bgy. San Isidro, Taboso sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala na si Marvin Encarquez, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, huli umanong nakitang buhay si Encarquez habang inihahatid sa bahay ang isang lasing na kaibigan nito na hindi muna pinangalanan.
Dahil dito, pinaghahanap na ng pulisya ang kaibigan ni Encarquez para kuwestyunin sa pagkamatay ng biktima.



Comments