Magsasaka, kritikal sa kidlat
@Balitang Probinsiya | April 19, 2023
CAMARINES SUR—Isang magsasaka ang nasa kritikal na kondisyon nang tamaan ng kidlat, kamakalawa sa Bgy. Sagrada, Minalabac sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Marlon Blanca, 29, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang nasa bukid ang magsasaka ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Nabatid na nagtamo ng 3rd degree burns sa katawan at nawalan ng ulirat ang biktima dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na tumama sa kanya.
Dinala ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan.



Comments