Magsasaka, kinatay ni kuya
- BULGAR
- May 3, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 3, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang 35-anyos na magsasaka ang namatay nang pagtatagain ng kanyang kuya, kamakalawa sa Bgy. Camansi, Kabankalan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnie Enriquez, samantalang ang suspek ay ang kuya nito na si Freddie, 48, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid kaya pinagtataga ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide.



Comments