top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magsasaka, kinatay ng katoma

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 17, 2023


AKLAN -- Isang magsasaka ang pinagsasaksak at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Bgy. Cortes, Balete sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay nakilalang si Junito Cuadrante, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.


Habang ang suspek ay kinilala ng mga awtoridad na si Francis Dominguez, 33, at nakatira sa nasabing lugar.


Ayon sa pulisya, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para pagsasaksakin ng salarin ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusang sumuko naman sa pulisya ang suspek matapos ang pananaksak sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page