Magsasaka, kinatay ng kapwa magsasaka
- BULGAR
- Jun 28, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 28, 2023
MASBATE -- Isang magsasaka ang namatay nang pagsasaksakin ng kapwa niya magsasaka kamakalawa sa Bgy. Poblacion District 1, Claveria sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Ernesto Andujar, samantalang ang suspek ay si Bobby Bangagalisan, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Andujar nang sumulpot ang suspek at agad pinagsasaksak ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi si Andujar sa ospital, pero idineklara siyang dead-on-arrival.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments