top of page

Magsasaka, hinampas ng bote sa ulo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 11, 2023



Aklan -- Isang magsasaka ang sugatan nang hampasin ng bote ng alak sa ulo ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Alimbo-Baybay, Nabas sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng malaking sugat sa ulo ay nakilalang si Orly Diaz, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Buenasuerte sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, pauwi na si Diaz mula sa dinaluhang dance party nang sumulpot sa likuran nito ang suspek at biglang pinalo ng bote sa ulo ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi si Diaz sa ospital, at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan.


Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page