top of page
Pokwang.jpg

Magsasaka, ginilitan ng negosyante

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2020



NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang gilitan sa leeg ng negosyante kamakalawa sa Bgy. Bantug, Gabaldon.


Ang biktima ay nakilalang si Edgardo Audar, 47-anyos, samantalang ang suspek ay si Eduardo delos Santos, 58-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nagselos umano si Delos Santos nang malaman na palaging kasama sa bukid ni Audar ang kanyang misis kaya pinuntahan ng suspek ang biktima at nang makita ay agad itong ginilitan ng patalim sa leeg.


Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen si Audar, samantalang kaagad namang nadakip ng pulisya si Delos Santos.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page