Magsasaka dinedbol ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | Pebrero 15, 2023
QUEZON—Isang magsasaka ang namatay nang pagbabarilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Lutucan Malabag, Sariaya sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jerome Gonzales, 44-anyos, samantalang ang suspek ay si Manolito Alvarez, 50-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Gonzales at Alvarez na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments