top of page
Gary V. - IG.jpg

Magsasaka, dedo sa tuklaw ng ahas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 31, 2024

ILOCOS SUR -- Isang magsasaka ang namatay matapos matuklaw ng ahas kamakalawa sa bukid ng Brgy. Capangdanan, Bantay sa lalawigang ito.

 

Kinilala ang biktima na si Joros del Castillo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.

 

Ayon sa mga kapwa magsasaka ni Del Castillo, narinig nilang sumisigaw ang biktima na natuklaw ito ng ahas.

 

Agad nagtungo ang mga kapwa niya magsasaka sa kinaroroonan ni Castillo at natagpuan nila itong nakahiga sa bukid at nanginginig.

 

Dinala pa nila ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page