top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Magsasaka, dedbol sa kuryente

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 30, 2021



NUEVA ECIJA—Isang magsasaka ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Sapang Bato, General Natividad.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Donato de Guzman, 37-anyos at residente ng Bgy. Burol sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ni De Guzman sa bukid na ilang metro ang layo sa isang bahay-kubo.


Nabatid na ini-report ng mga residente sa pulisya ang tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima.


Sa pag-iimbestiga ng pulisya ay dito nalaman na nakuryente ang biktima dahil nagtamo ito ng 3rd degree burns sa kamay at katawan habang hawak ang live wire na nakakonekta sa bahay-kubo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page