Magsasaka, binoga ng bayaw
@Balitang Probinsiya | May 12, 2023
AKLAN—Isang magsasaka ang sugatan nang barilin ng kanyang bayaw, kamakalawa sa Bgy. Pampango, Libacao sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Gyrel Lanciso, samantalang ang suspek ay ang bayaw nito na si Weny Zonio, kapwa nasa hustong gulang, at parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magbayaw kaya binaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa dibdib.
Matapos ang pamamaril sa biktima, agad na tumakas ang suspek.
Kasalukuyan pang inoobserbahan ang biktima sa ospital, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.



Comments