top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Magsasaka at kalabaw, patay sa kuryente

BULGAR
Nov 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 16, 2022


CAMARINES SUR—Isang magsasaka at isang kalabaw ang namatay nang makuryente kamakalawa sa bayan ng Balogo.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rannel Lagasca, 25-anyos, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang pinapastol ni Lagasca ang alaga niyang kalabaw sa Sitio Camagong ay natapakan ng nasabing hayop ang isang nakalaylay na live wire.


Nabatid na tinangka ni Lagasca na alisin ang livewire na natapakan ng kalabaw, pero nadamay siyang nakuryente.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima, maging ang alaga niyang kalabaw.


Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page