Magsasaka, arestado sa shabu at 2 boga
@Balitang Probinsiya | May 16, 2023
CAPIZ—Isang magsasaka ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, dalawang baril at mga bala, kamakalawa sa Bgy. Mianay, Ivisan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala na si Nilo Boteja, 49, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Boteja sa bisa ng search warrant at dito nakumpiska ang apat na sachet ng shabu, dalawang baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunition.



Comments