top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magramo-Nakatani fight sa Japan, 5 beses naudlot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2020
  • 1 min read

ni ATD - @Sports | August 13, 2020




Lalong naatat makipagsuntukan si Pinoy sensation Giemel Magramo matapos makansela muli ang laban nito kay Japanese fighter Julio Nakatani.


Nakatakda sanang magharap sina Magramo at Nakatani para sa bakanteng World Boxing Organization flyweight crown sa Agosto 21 na gaganapin sa Tokyo, Japan.


Subalit dahil sa patuloy na pamiminsala ng coronavirus ay naudlot ito sa ikalimang pagkakataon.


Mahigpit na nagpatupad ang Japan na bawal pumasok ang foreigners sa kanilang bansa dahil sa paglala ng sitwasyon dulot ng COVID-19.


Noong Abril 14 ang orihinal na iskedyul ng laban, inilipat ito ng petsa, (Hunyo 6) dahil sa pandemya.


Muling nasalto at inurong sa Hulyo 22 at saka ginawang Agosto 1 ang banatan hanggang sa maging Agosto 21 na ito.


Kasalukuyang ranked No. 1 ang 25-anyos na Pinoy pug, may tangan itong 24-1 baraha kasama ang 20 knockouts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page